Grab sinuspinde ang kanilang riders na tumawag na “biot” sa BTS
Sinuspinde na ng Grap Philippines ang kanilang delivery partners na tumawag ng “biot” sa BTS.
Ito ay kasunod ng pagdagsa ng orders para sa Food Delivery ng Grab dahil sa paglulunsad ng BTS Meal ng McDo.
Sa Twitter ng netizen na si @vmindables, ipinakita nito ang screenshots ng mga komento at post ng mga Grab rider na tumawag ng “biot” sa BTS.
Kasabay nito ang panawagan ng nasabing netizen sa mga kapwa niya “ARMY” na gumamit ng lang ng McDonalds Delivery App kaysa mag-order via Grab food.
Agad naman itong nakarating sa atensyon ng Grab.
Ayon sa pahayag ng Grab, mayroon silang zero-tolerance policy sa “inexcusable behaviors”.
Sinabi ng Grab na umaasa silang hindi ito makaaapekto sa tiwala ng consumers. (Dona Dominguez-Cargullo)