Globe mamamahagi ng tulong sa libu-libong pamilya na sinalanta ng bagyo
Magsasagawa ng relief operations ang kumpanyang Globe para sa mga pamilyang naapektuhan ng Typhoon Rolly at Ulysses sa Catanduanes, Cagayan, Marikina at Isabela.
Ayon sa Globe, 5,000 pamilya ang tatanggap ng meal packs sa Cagayan at Isabela sa tulong ng exclusive partner ng Globe na Puregold.
Sa Catanduanes naman 1,000 pamilya ang tatanggap din ng relief packs.
Ayon sa Globe, umabot na sa P17,555,163 ang nalikom nilang donasyon sa pamamagitan ng GCash.
Nitong nagdaang mga araw, nakapaghatid na din ng meal boxes ang Globe sa pamamagitan ng Rise Against Hunger sa 1,800 na pamilya sa Marikina.
Kabilang din sa tulong na hatid ng telco ang libreng unlimited texts at tawag sa Globe Prepaid at TM customers sa loob ng tatlong araw sa mga nasalantang lugar sa Catanduanes.