Global cases ng COVID-19 mahigit 115 million na; mahigit 430,000 nadagdag sa magdamag
Umabot na sa mahigit 115 million ang buong kaso ng COVID-19 na naitatala sa buong mundo.
Sa huling datos ng worldometers, sa magdamag ay umabot sa mahigit 430,000 ang nadagdag na bagong kaso.
Mayroon namang mahigit 2.5 million na pumanaw sa sakit.
Narito ang mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 as of March 4, 2021:
• US – 29,452,366
• India – 11,156,748
• Brazil – 10,722,221
• Russia – 4,278,750
• UK – 4,194,785
• France – 3,810,316
• Spain – 3,136,321
• Italy – 2,976,274
• Turkey – 2,734,836
• Germany – 2,472,896
Ang Pilipinas ay nasa pang-31 sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso.