Global cases ng COVID-19 mahigit 110 million na
Umabot na sa mahigit 110 million ang buong kaso ng COVID-19 na naitatala sa buong mundo.
Sa huling datos ng worldometers, mayroon namang mahigit 2.4 million na pumanaw sa sakit.
Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng mahigit 342,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa magdamag ang US ay nakapagtala ng dagdag na mahigit 63,000 na bagong kaso.
Mahigit 55,000 naman ang bagong kasoo na naitala sa Brazil.
Narito ang mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 as of February 9, 2021:
• US – 28,381,150
• India – 10,937,106
• Brazil – 9,921,981
• Russia – 4,099,323
• UK – 4,058,468
• France – 3,489,129
• Spain – 3,096,343
• Italy – 2,739,591
• Turkey – 2,602,034
• Germany – 2,352,766
Ang Pilipinas ay nasa pang-31 sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso.