Global cases ng COVID-19 mahigit 107 million na
Umabot na sa mahigit 107 million ang buong kaso ng COVID-19 na naitatala sa buong mundo.
Sa huling datos ng worldometers, mayroon namang mahigit 2.3 million na pumanaw sa sakit.
Ang US pa rin ang nangunguna sa mga bansa na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 kasunod ang India.
Ang US din ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng nasawi kasunod ang Brazil.
Narito ang mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 as of February 9, 2021:
• US – 27,700,629
• India – 10,847,790
• Brazil – 9,550,301
• Russia – 3,998,216
• UK – 3,959,784
• France – 3,341,365
• Spain – 2,989,085
• Italy – 2,644,707
• Turkey – 2,539,559
• Germany – 2,296,326
Ang Pilipinas ay nasa pang-31 sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso.