German businessman na una nang ipinatawag ng NBI dahil sa isyu ng wirecard fraud, sumakabilang-buhay na
Hindi na makaddalo sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang businessman na si Christopher Reinhard Bauer na una nang ipinatawag ng NBI dahil sa isyu ng wirecard fraud.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, base sa mga opisyal na dokumentong isinumite sa NBI, patay na si Bauer noon pang July 27, 2020.
Sinasabing nasawi si Bauer sa isang ospital sa Paranaque City dahil sa natural cause. Agad narin na-cremate ang mga labi ng naturang dayuhan.
Si Bauer ang dating executive ng kumpanyang Wirecard AG na kabilang sa mga indibidwal na iniimbestigahan sa umano’y multi-million dollor fraud sa Wirecard.
Una nang sinabi ng Wirecard na may nawawala itong $2.1Billion na naipadala sa ilang bangko sa Pilipinas na ayon Bangko Sentral ng Pilipinas ay wala namang patunay o ebidensiya na may pumasok na ganitong kalaking halaga ng pera sa mga lokla na bangko sa bansa.
Nakarating sa bansa ang isyu ng Wirecard matapos umanong dumating sa bansa ang dating chief operating officer ng kumpanya na si Jan Marsalek noong June 23 bago lumipad patungong China kinabukasan matapos pumutok ang isyu sa Wirecard.
Pero ayon kay Sec. Guevarra, pineke ang travel records ng pagdating nito sa bansa.