Gerald Anderson nagdiwang ng 32nd birthday sa Aeta Community sa Zambales kasama si Julia Barretto
Nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa Aeta Community sa Zambales si Gerald Anderson.
Katuwang ni Anderson sa aktibidad ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil si Anderson ay Lieutenant Commander ng PCG Auxiliary (PCGA).
Ang ika-32 Kaarawan ni Anderson ay idinaos sa Barangay San Agustin, Iba, Zambales kasama ang aktres na si Julia Barretto.
Ayon sa PCG aabit sa 300 Aeta families mula sa Lupang Pangako Resettlement Area ang nabigyan ng bigas, canned goods, instant noodles, biscuits, coffee, chocolate drink, at hygiene supplies.
“Nagpapasalamat ako kasi kasama ko kayo sa birthday ko. Sana nakapagbigay ng kaunting saya sa inyo ang pagbisita namin dito. Hiling ko rin na maging ‘partner’ kami ng komunidad na ito sa mga susunod pang pagkakataon,” ayon kay Anderson.