GCQ iiral sa NCR plus simula bukas (May 15) pero leisure travel bawal pa din
Sa kabila ng pag-iral ng General Community Quarantine sa NCR Plus ay magiging mahigpit pa din ang ipatutupad na restrictions.
Batay sa inaprubahang rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa ilalim ng pag-iral ng GCQ ay iiral ang heightened restrictions.
Tanging essential travel lamang papasok at palabas ng NCR Plus o Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan ang papayagan.
Mayroon pa ding public transportation basta’t masusunod ang minimum capacities at protocols na pinaiiral ng Department of Transportation.
Ang indoor dine-in services sa NCR Plus ay pinapayagan sa 20% venue o seating capacity habang ang al fresco dining ay 50% venue o seating capacity.
Pwede na ding magbukas ang outdoor tourist attractions sa NCR Plus sa 30% capacity lamang at may mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.
Ang religious gatherings at gatherings para sa necrological services, wakes, inurnment atfunerals for ay pinapayagan sa 10% ng venue capacity.
Tanging ang mga edad 18-65 ang pwedeng lumabas ng kanilang tahanan.
Ang GCQ ay iiral sa NCR Plus hanggang May 31.
Nasa GCQ status din mula May 15 hanggang 31, 2021, ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra sa CAR; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang Santiago City at Quirino Province sa Region 2; Ifugao sa Cordillera Administrative Region; at Zamboanga City sa Region 9 ay sasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula May 15 to 31, 2021.
Ang iba pang bahagi ng bansa ay sasailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).