GCQ iiral pa rin sa Metro Manila at ilan pang lalawigan
Mananatiling nakasailalim sa general community quarantine ang Metro Manila.
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address, Biyernes (July 31) ng umaga.
Maliban sa Metro Manila, GCQ din ang iiral sa mga lalawigan ng Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Zamboanga City.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng localized lockdown sa mga barangay na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.
Una nang nagkasundo ang mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na manatili ang pag-iral ng GCQ sa NCR dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit.
Samantala, sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay sasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).