Gamaleya Sputnik V vaccine pinagkalooban na ng Emergency Use Authorization ng FDA
Pinagkalooban na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine ng Gamaleya Sputnik V.
Ayon kay FDA Director General, Eric Domingo, batay sa totality ng mga available na ebidensya, ang bakuna ng Gamaleya Sputnik V ay maaring epektibo para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.
Sa pagkakaloob ng EUA, ipinaliwanag ni Domingo na hindi inootorisa ang pagbebenta sa merkado ng nasabing bakuna.
Sa ngayon sinabi ni Domingo, na walang anumang bakuna kontra COVID-19 na binigyan ng CPR o Certificate of Product Registration kaya hindi ito pwedeng ipalaganap commercially.
Ang Gamaleya Sputnik V mula Russia ay nag-apply para sa EUA sa bansa noong January 7, 2021.
Sa ngayon, apat bakuna na laban sa COVID-19 ang mayroong EUA mula sa FDA.
Ito ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Gamaleya.