Gamaleya binawi ang aplikasyon para makapagsagawa ng clinical trials sa bansa
Binawi na ng Gamaleya ang aplikasyon nito para sa clinical trials sa Pilipinas.
Kinumpirma ito ni Department of Science and Technology (DOST) Usec. Rowena Guevarra sa virtual press briefing ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Guevarra, noong January 6, 2021 nag-withdraw ang Gamaleya.4
Ang Gamaleya ng Russia ay nauna nang naghain ng aplikasyon para Clinical Trial Phase 3 ng Sputnik V sa Pilipinas.
Sinabi ni Guevarra na ginawa ng Gamaleya ang pagbawi sa aplikasyon dahil mag-aapply na ito ng emergency use authorization o EUA sa Pilipinas.
Inaasahang magsusumite ng aplikasyon para sa EUA ang Gamaleya ngayong araw o sa weekend. (D. Cargullo)