Fully-vaccinated na senior citizens pinayagan nang makalabas ng IATF

Fully-vaccinated na senior citizens pinayagan nang makalabas ng IATF

Pinayagan na ng Inter Agency Task Force na makalabas ng kanilang bahay ang mga senior citizen na fully vaccinated .

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay para sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Pero kailangang dala-dala nila ang kanilang COVID-19 vaccination card kapag lalabas bilang patunay na sila ay fully vaccinated na.

Kailangan pa din nilang sumunod sa minimum public health standards.

Nilinaw naman ni Roque na ang mga fully vaccinated senior citizen ay limitado lamang ang pagbiyahe sa sa kani-kanilang mga lugar dahil bawal pa din ang interzonal travel.

Ang tangi lamang pinapayagan ang mga point-to-point travel na nauna nang inaprubahan ng IATF. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *