Free ride, free blod typing, BP checking at blood sugar test handog ng LRTA sa mga kababaihan
Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT-2 sa mga kababaihan bukas, ika-8 ng Marso.
Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s Month.
Ang mga kababaihan ay libreng makasasakay sa LRT-2 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Maliban sa libreng sakay, magkakaroon din ng blood typing test, blood pressure monitoring at random blood sugar testing sa Recto at Cubao stations mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. (DDC)