Forensic examinations sa labi ni Christine Dacera natapos na ng NBI
Natapos na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang forensic examinations sa tissues na nakuha sa mga labi ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.
Kinumpirma ito ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa mga mamamahayag.
Ayon kay Guevarra, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Makati Medical Center ukol sa naturang bagay.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Guevarra hinggil sa resulta ng ginawang forensic examinations ng NBI.
Sinabi ni Guevarra na ipinauubaya na niya sa NBI ang paglalabas ng resulta o dagdag na impormasyon.
Nauna nang nagsagawa ng autopsy ang NBI sa bangkay ni Dacera, kasunod ng kautusan ni Guevarra na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa pagkamatay ng naturang flight attendant.
Nakausap na rin ang NBI ang mga kaibigan at mga nakasalamuha ni Dacera, bago siya nasawi noong unang araw ng Bagong Taon.
Samantala, sinabi ni Guevarra na ang NBI digital forensic team ay magpapatuloy naman sa pagbusisi sa data o mga impormasyon mula sa mobile phones ng persons of interest.