Food Security Food boxes sinimulan nang ipamahagi sa mahigit 700,000 pamilya sa Maynila
Sinimulan na ng Manila City Government ang pamamahagi ng food boxes sa mahigit 700,000 pamilya.
Ayon kina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna layon nitong maibsan kahit papaano ang epekto ng pandemya sa mga pamilya sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na magpapatuloy ang nasabing ayuda hangga’t kaya ng budget ng pamahalaang lungsod.
Ang mga tauhan ng Department of Engineering and Public Works, Department of Public Services, at Manila Traffic and Parking Bureau ang mamamahagi ng Food Security Food boxes sa anim na distrito sa lungsod. (DDC)