Fixed Broadband Internet Speed sa Pilipinas bumuti sa loob ng 15 sunod na buwan – Ookla

Fixed Broadband Internet Speed sa Pilipinas bumuti sa loob ng 15 sunod na buwan – Ookla

Patuloy ang pagbuti ng fixed broadband internet speed sa bansa sa loob ng 15 sunod na buwan, kasabay ng Ookla Speedtest Global Index report na bumilis pa ang internet services sa Pilipinas.

Umangat ang fixed broadband internet sa 72.56Mbps noong Agosto mula sa 71.1Mbps noong Hulyo 2021. Kumakatawan ito sa month-to-month improvement na 1.95% para sa fixed broadband at 817.31% improvement simula nang mag-umpisa ang Duterte administration noong July 2016.

Lumitaw din sa report na bumilis sa 33.77Mbps average download speed sa mobile mula sa 33.69Mbps. Ang latest download speed ay katumbas ng month-to-month improvement na 0.24%, at 353.89% mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula sa 180 na bansa, pang-63 ang Pilipinas sa fixed broadband speed habang pang-73 mula sa 140 na bansa pagadating sa mobile.

Mula naman sa 50 bansa sa Asya, nasa ika-17 pwesto na ang Pilipinas sa internet speed para sa fixed broadband at ika-22 para sa mobile.

Sa Asia-Pacific, pang-14 ang Pilipinas sa fixed broadband at pang-13 para sa mobile mula sa 46 na bansa.

Sa sampung bansang kasapi ng ASEAN, nasa ika-limang pwesto ang Pilipinas sa fixed broadband and mobile.

Ang anunsyo ng Pangulo na ayusin at pabilisin ang pag-iisyu ng LGU permits noong Hulyo ng nakaraang taon ay lumikha ng malaking increase sa ibinigay na permit sa mga telco mula Juy 2020 hanggang June ngayong taon kumpara noong 2019.

Ang pagbuti ng internet speed ay bunsod ng mabilis na pagtatayo ng mga imprastraktura, gaya ng cellular towers at fiber optic network, na kinakailangan sa pagpapalakas ng services at connectivity.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *