Fishing at shipping operations balik na sa normal ayon sa Coast Guard
Balik normal na muli ang biyahe ng mga sasakyang pandagat.
Ito ay makaraang tuluyang humina ang bagyong Crising at maging isang Low Pressure Area na lamang.
Sa inilabas na abiso ng Philippine Coast Guard (PCG) pinayagan na muli ang fishing at shipping operations sa lahat ng mga pantalan sa bansa.
Lahat ng mga na-stranded dahil sa bagyong Crising ay pinayagan nang bumiyahe.