First dose vaccination sa Muntinlupa City muling nagpatuloy
Nagpatuloy na muli ang first dose vaccination sa Muntinlupa City.
Ayon sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, natanggap na ng LGU ang 22,780 doses ng AstraZeneca vaccine.
Dahil dito, simula araw ng Martes, July 13 ay inumpisahan na muli ang first dose vaccination sa lungsod.
Bukas na muli ang sumusunod na vaccination sites:
-Sucat Covered Court
-New Cupang Health Center
-Biazon Covered Court, NHA-Southville 3
-De La Salle Santiago Zobel School (No Walk-in)
-Festival Mall Upper Ground Floor Parking (July 13 only)
-SM Center Muntinlupa (July 13 only)
Mananatiling by appointment ang vaccination. (Dona Dominguez-Cargullo)