FDA binalaan ang publiko sa pagbili ng produkto ng isang sikat na brand ng shampoo
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili ng produkto ng tanyag na brand ng shampoo.
Sa inilabas na abiso ng FDA, nagpalabas ng babala ang ahensya sa pagbili at paggamit ng Pantene Pro-V Milky Repair Shampoo.
Sa isinagawang postmarketing surveillance ng FDA natuklasan na walang balidong Certificate of Product Notification ang naturang produkto.
Sinabi ng FDA na dahil hindi sumailalim sa notification process ng ahensya ang produkto, hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan nito.