Facebook at Instagram account US President Donald Trump pinatawan ng indefinite suspension

Facebook at Instagram account US President Donald Trump pinatawan ng indefinite suspension

Pinalawig pa ng Facebook ang suspensyon sa Facebook page at Instagram account ni US President Donald Trump.

Sa post ni Facebook chief executive officer Mark Zuckerberg, ang pagtanggal nila sa mga post ni Trump ay dahil ang mga pahayag ay maaring magdulot pa lalo ng karahasan.

Sinabi ni Zuckerberg na hindi nila hahayaang magamit ang platform para manghikayat ng karahasan laban sa “democratically elected government”.

Nakasaad sa pahayag na may banta kung patuloy na hahayaan si Trump na gamitin ang serbisyo ng Facebook at Instagram.

Bunsod nito, nagpasya ang pamunuan ng Facebook at Instagram na ituloy “indefinitely” o “at least two weeks” pa ang pag-block sa mga account ng outgoing president.

Ito ay hanggang sa maisagawa ang mapayapang transition of power.

“Therefore, we are extending the block we have placed on his Facebook and Instagram accounts indefinitely and for at least the next two weeks until the peaceful transition of power is complete”, ayon kay Zuckerberg. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *