Face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Levels 1 and 2 magpapatuloy – DepEd
Tuloy ang face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 and 2.
Ayon sa Department of Education (DepEd), tanging sa Metro Manila lamang na muling isinailalim sa Alert Level 3 sususpindihin ang pagpapatupad ng face-to-face classes.
Sa ngayon ayon sa DepEd, patuloy ang pagsasapinal ng report hinggil sa pilot implementation ng face-to-face classes sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (DDC)