Face-to-face classes sa iba pang lugar na nakasailalim sa Alert Level 3 sinuspinde ng DepEd
Sinuspinde na rin ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face
classes sa ibang lugar na sasailalim sa Alert Level 3.
Ayon sa DepEd, ito ay bilang pagsiguro sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kabilang sa pilot run ng limited face-to-face classes.
Ipagpapatuloy naman ang face-to-face-classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2. (DDC)