DBM tiniyak na may pondo para ipangtulong sa mga naapektuhan ng ECQ

DBM tiniyak na may pondo para ipangtulong sa mga naapektuhan ng ECQ

Tiniyak ng Department Budget and Management (DBM) na mayroong mahuhugot na pondo para sa ayuda na ibibigay sa mga maaapektuhan ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Ayon kay DBM Sec. Wendel Avisado, sa ngayon ay sumasailalim na sa review ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang panukala na pagbibigay muli ng Social Amelioration Program (SAP).

Hindi pa naman idinetalye ni Avisado ang halaga ng ibibigay na ayuda.

Paliwanag ni Avisado, ang bibigyan ng ayuda ay mga maapektuhan ng ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Magiging batayan pa rin aniya nito ay ang datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Economic and Development Authority (NEDA).

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *