Examinees sa Career Service Examination-Pen and Paper Test kailangang magsuot ng face mask at face shield

Examinees sa Career Service Examination-Pen and Paper Test kailangang magsuot ng face mask at face shield

Ginawang mandatory ng Civil Service Commission (CSC) ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga examinees para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isasagawa sa March 13, 2022.

Ayon sa pahayag ng CSC, kung hindi nakasuot ng face mask at face shield ay maari silang hindi papasukin sa testing venue.

Nilinaw naman ng CSC na maaring iangat o alisin ng examinees ang kanilang face shield habang nangyayari ang pagsusulit para matiyak ang good vision at maayos na pagbasa sa test materials.

Sa buong panahon ng pagsusulit ay hindi naman pwedeng tanggalin ang face mask.

Ang mga bakunadong examinees ay kailangang magpakita ng original o digital copy ng kanilang vaccination card.

Habang ang mga hindi pa bakunado ay kailangang mag-presenta ng negatibong resulta ng RT-PCR, saliva, o antigen test. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *