EUA sa Pfizer vaccine nasa status quo pa rin sa kabila ng insidente sa Norway ayon sa DOH

EUA sa Pfizer vaccine nasa status quo pa rin sa kabila ng insidente sa Norway ayon sa DOH

Status quo o mananatili pa rin ang emergency use authorization o EUA na ipinagkaloob ng Food and Drug Administration (FDA) ng ating bansa sa Pfizer-BioNTech.

Pahayag ito ni Health Usec. At Spokesperson Ma. Rosario Vergeire matapos ang ulat na mayroong 29 na nakatatanda sa Norway na nasawi makaraang maturukan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer.

Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay wala pang sufficient o sapat na ebidensya hinggil sa nangyari sa Norway.

Ayon pa sa DOH, kung babasahin din aniya ang artikulo sa Norway ay sinabi roon na pinag-aaralan ng kanilang pamahalaan ang nangyari.

Batay sa ulat ng Norway ay ibibigay sa critically ill ang bakuna habang naiulat din ang pagkamatay ng 400 na tao mula sa naturang sektor o hanay ng mga nakatatanda.

Ani Vergeire, sinasabi ng Norwegian authorities na maaaring nagkataon lamang ang nangyari.

Pero hindi pa umano sarado ang isyu at mismong ang pamahalaan ng Norway ang nais na maimbestiga pa rito.

Sa panig naman ng FDA sa ating bansa, sinabi ni Vergeire na pag-aaralan din ang naturang usapin at pinagsusumite ang Pfizer ng report ukol sa nangyari.

Matapos ang evaluation ay dito magpapasya ang FDA hinggil sa EUA ng Pfizer.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *