Covaxin at Janssen pinagkalooban ng EUA ng FDA
Pinagkalooban na ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration (FDA) ang Covaxin na COVID-19 vaccine ng Bharat Biotech mula sa India.
Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo matapos ang isinagawang pag-aaral ng mga eksperto sa mga isinumiteng datos sa clinical trials ay napatunayang may malaking benepisyong makukuha sa pagbabakuna ng Covaxin.
Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Domingo, unang inihain ng Bharat Biotech ang kanilang aplikasyon noong Jan. 22.
Pero noong March 9 lamang isinumite ang kanilang clinical trial data.
Hinihintay pa naman ng FDA ang dokumento na isusumite ng Bharat Biotech para mapayagan na maipasok sa bansa ang Covaxin.
Una rito sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na ang mga probadong sektor ay nag-order na ng million doses ng Covaxin.
Sa datos ng Bharat Biotech sa resulta ng kanilang preliminary data mula sa phase 3 trials sa Covaxin, ang efficacy rate nito ay 81 percent.
Maliban sa Covaxin, pinagkalooban na din ng EUA ang Janseen COVID-19 vaccine na likha ng Johnson & Johnson.
Ang Janssen ay una nang nabigyan ng EUA sa 40 mga bansa kabilang ang US, Europa, Canada, Switzerland at iba pa.