Estrella-Pantaleon Bridge 72 percent nang kumpleto
72 percent na ang completion rate ng ginagawang Estrella-Pantaleon Bridge.
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mabuksan itong muli sa mga motorista sa 2nd quarter ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, sa sandaling matapos na, magagamit na ng mga motorista ang mas malapad na tulay na nagdudugtong sa Estrella Street sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong City.
Ngayong araw (Jan. 6) ay nagsagawa si Villar ng technical inspection sa proyekto kasama sina DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil K. Sadain, UPMO Roads Management Cluster 1 Director Virgilio Castillo, at Project Manager Melchor Kabiling.
Ang pagpapalawak sa Estrella-Pantaleon Bridge ay kabilang sa EDSA decongestion program ng pamahalaan na layong ma-decongest ang Guadalupe Bridge sa EDSA. (D. Cargullo)