Eskwelahan sa Isabela na nagsagawa ng face-to-face class pinagpapaliwanag ng CHED

Eskwelahan sa Isabela na nagsagawa ng face-to-face class pinagpapaliwanag ng CHED

Nagpalabas ng show cause order ang Commission on Higher Education (CHED) laban sa isang eskwelahan sa Isabela na nagsagawa ng face-to-face class.

Ayon sa CHED, isang estudyante ng Isabela Colleges, Inc. sa Cauayan City ang nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa class orientation ng paaralan.

Nagresulta ito sa pagsasagawa ng contact tracing ng City Health Officials sa 45 nakasalamuha ng estudyante sa nasabing klase.

Ayon sa CHED, batay sa natanggap nilang ulat, August 29 ay dumalo sa orientation sa paaralan ang nasabing pasyente.

Nang magsagawa ng validation ang CHED, natuklasan na simula noong August 29 ay nagsagawa na ng serye ng orientations ang Isabela Colleges.

Dahil dito, inatasan ng CHED ang pamunuan ng eskwelahan na magpaliwanag sa loob ng 10 araw.

Patuloy din ang payo nito sa mga eskwelahan na huwag magsagawa ng face-to-face o in-person classes./ END

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *