ER ng Montalban Infirmary hindi muna tatanggap ng pasyente
Pansamantalang isinara ang Emergency Room ng Montalban Infirmary sa Kasiglahan Village sa Brgy. San Jose.
Batay sa abiso ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, simula alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, March 18 ay sarado muna ang ER.
Ito ay para makapagsagawa ng disinfection sa ER. Muli na lamang mag-aabiso kung kailan ito muling bubuksan.
Patuloy naman ang serbisyo ng OPD o Out Patient Department ng Infirmary para sa konsultasyon ng bata, matanda at mga buntis.
Bukas din ang paanakan ng Infirmary.