Epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa gyera ng Russia at Ukraine ibinabala ng isang ekonomistang mambabatas

Epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa gyera ng Russia at Ukraine ibinabala ng isang ekonomistang mambabatas

Nagbabala si House Committee on Economic Affairs Chairperson Sharon Garin ang mas malaking problemang kakaharapin ng bansa sa Russia-Ukraine crisis.

Ayon kay Garin, hindi lamang pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin ang magiging epekto ng gyera sa pagitan ng dalawang bansa.

Tiyak anya na maaapektuhan din ang mga industriyang ngayon pa lang nagsisimulang bumangon mula sa epekto naman ng pandemya.

Paliwanag ng kongresista, nasa proseso pa lang ng pagangat ang mga industriyang dalawang taong pinadapa ng global health crisis na Covid-19.

Ngayon pa lamang din bumabalik sa “full capacity” ang maraming kumpanya at sektor matapos na isailalim sa Alert Level 1 ang NCR at iba pang lugar.

Dahil sa posibleng negatibong epekto sa kabuhayan at ekonomiya ng Russia-Ukraine conflict ay hiniling ng mambabatas na palawakin pa ang pagbibigay ng tulong na hindi lamang nakasentro sa iisang sektor.

Inihalimbawa ng lady solon na sakaling tumaas ang presyo ng langis sa world market, dapat na mabigyan din ng tulong dito ang mga industriyang ang kabuhayan o mga makina ay nakadepende sa paggamit ng langis tulad ng agriculture, airline at tourism industry. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *