ePayment sa mga korte ilulunsad ng Supreme Court
Maari nang gawin online ang pagbabayad ng fees sa mga korte sa bansa.
Magsasagawa ng pilot test ang Supreme Court sa Judiciary Electronic Payment Solution (JEPS) sa dalawampung first-level courts sa buong bansa.
Sa ilalim ng OCA Circular No. 44-2022, na nilagdaan ni Court Administrator Raul B. Villanueva inatasan ng SC ang mga first-level courts na magsagawa ng pilot test sa JEPS.
Lalahok sa pilot testing ang mga sumusunod na korte:
– Metropolitan Trial Court (MeTC), Quezon City
– MeTC, Mandaluyong
– MeTC, San Juan City
– Municipal Trial Court in Cities (MTCC), Malolos City, Bulacan
– MTCC, Baguio City
– MTCC, Angeles City
– MTCC, Cabuyao City, Laguna
– MTCC, Naga City, Camarines Sur
– MTCC, Vigan City, Ilocos Sur
– MTCC, Ilagan City, Isabela
– MTCC, Puerto Prinsesa City, Palawan
– MTCC, Bacolod City, Negros Occidental
– MTCC, Lapu-lapu City, Cebu
– MTCC, Dumaguete City, Negros Oriental
– MTCC, Tacloban City, Leyte
– MTCC, Zamboanga City, Zamboanga del Sur
– MTCC, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental
– MTCC, Cotabato City, Maguindanao
– MTCC, Dipolog City, Zamboanga del Norte
– MTCC, Davao City, Davao del Sur
Inatasan ng SC ang lahat ng Clerks of Court (COC) at Acting Clerks of Court (ACOC) ng 20 nabanggit na mga korte na sundin ang Interim Guidelines Implementation ng JEPS.
Gagamitin ang sistema ng Union Bank of the Philippines (UBP) bilang alternative mode of payment sa legal fees at iba pang bayarin.
Maaring magbayad gamit ang Union Bank accounts (no convenience fee), bank transfer sa pamamagitan ng instaPay at PESONet (both with convenience fee). (DDC)