Election plans ng Duterte Camp dapat tigilan muna – Rep. Gaite

Election plans ng Duterte Camp dapat tigilan muna – Rep. Gaite

Itinuring ng grupong Bayan Muna na isang political show at political circus ang patuloy na pag-iingay ng Duterte camp para sa 2022 election.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite dapat tigil-tigilan na ng mga Duterte ang mga pakulo na ang layunin ay ilihis ang tunay na isyu ukol sa palpak na COVID response ng administrasyon at ang report ng Commission on Audit (COA) na nagpapakita ng palpak na paggamit ng bilyong overnment funds.

Tinukoy ni Gaite ang pagpapalutang ng PDP-Laban para sa Sen. Bong Go-President Duterte tandem, ang pag iingay ng Malacanang para sa Sara Duterte-President Duterte tandem at ang pag-aaway kamakalan sa media ng mag-amang Sara at Pangulong Duterte.

“Nagpapalutang sila ng bagong pag-uusapan but the people will not fall for this pathetic magicians act of misdirection to confuse the people” giit ni Gaite.

Aniya, anuman ang gawing formula ng mga Duterte para sa 2022 elections ay tiyak na irereject ito ng mga Filipino.

“Be it the puppet and master tandem GO-Duterte or the despicably dynastic tandem Sara-Rodrigo, the people are sure to reject the political maneuvers of the Duterte regime” ani Gaite.

Dagdag pa ni Gaite na hindi na maloloko pang muli ang publiko at naghihintay na ang sambayanan sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa susunud na taon.

“Nangangarap na at nakatanaw ang sambayanan sa isang Pilipinas na walang Duterte sa kapangyarihan” giit pa nito.

Nanindigan naman si Anakpawis Partylist National President at dating kongresista na si Ariel Casilao na kahit pa man mag-give way si Pangulong Duterte para sa presidential bid ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ay hindi rin ito kakagatin ng publiko.

Malinaw na ang ganitong plano ay para maisalba si Pangulong Duterte sa mga kasong naghihinay sa kanya sa pagbaba sa pwesto.

“Whether it is Juan dela Cruz-Rodrigo Duterte or Sara-Digong tandem, it is till he same #DutertePalpak and #DuterteKorap brand of traditional politics the Filipibo people have been opposing. We should rise up againsir this archaic evil plan,” pagtatapos pa ni Casilao.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *