Ecstasy drugs na idineklarang “key chains” nakumpiska ng Customs at PDEA

Ecstasy drugs na idineklarang “key chains” nakumpiska ng Customs at PDEA

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs–NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang nasa 196 na piraso ng ecstasy at 151 grams ng MDMA powder/crystal (raw ecstasy) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ang parcel ay mula sa isang Jansen J.J.K. sa Amersfoort, Netherlands at idneklarang “keychain” at papunta dapat ng Cebu City.

Nang isailalim sa 100% physical examination natuklasang naglalaman ng ilegal na droga ang mga kargamento.

Tinatayang aabot sa P750,000 ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Hawak na ng mga tauhan ng PDEA ang mga kontrabando.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *