ECQ sa Tuguegarao City palalawigin pa ng limang araw
Palalawigin pa ng limang araw ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon ito kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.
Sinabi ni Soriano na patuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Patuloy pa rin na paiiralin ang mga ECQ Protocol sa lungsod hanggang February 3, 2021.
Magugunitang isinailalim sa 10 araw na ECQ ang Tuguegarao City epektibo noong madaling araw ng January 20.
Dapat ay magtatapos na ang ECQ mamayang (Jan. 29) hatinggabi. (D. Cargullo)