Eastern Visayas, malaking bahagi ng Luzon makararanas ng pag-ulan dahil sa tail-end of a frontal system

Eastern Visayas, malaking bahagi ng Luzon makararanas ng pag-ulan dahil sa tail-end of a frontal system

Uulanin ang malaking bahagi ng Luzon at ang buong Eastern Visayas dahil sa epekto ng tail-end of a frontal system.

Ang binabantayan namang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA ay huling namataan sa layong 990 kilometers east ng Mindanao.

Dahil sa Tail-end of a Frontal System sa susunod na 24 na oras, ang Eastern Visayas, Bicol Region, CALABARZON, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Aurora ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay makararanas din ng maulap na papawirin dahil sa amihan.

Habang bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *