Easterlies muling umiral sa bansa
Mainit na panahon mararanasan sa bansa dahil sa muling pag-iral ng Easterlies
Mainit at maalinsangang panahon ang mararanasan sa halos buong bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA muli kasing umiral ang easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa Dagat Pasipiko.
Apektado ngayon ng easterlies ang buong Luzon.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na dito sa Metro Manila, maaring umabot sa 22 degrees Celsius ag pinakamataas na temperaturang maitatala.
34 degrees Celsius naman sa Tuguegarao City.
Wala namang nakataasna gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa.
Sa susunod na tatlong araw sinabi ng PAGASA na magiging mainit pa rin ang mararanasang panahon.