Easterlies at tail-end of a frontal system magpapaulan sa ilang rehiyon

Easterlies at tail-end of a frontal system magpapaulan sa ilang rehiyon

Uulanin ngayong araw ang ilang rehiyon sa bansa dahil sa umiiral na easterlies at tail-end of a frontal system.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, January 2, 2021 apektado ng tail-end of a frontal system ang eastern section ng Southern Luzon.

Easterlies naman ang umiiral sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Davao Region, at Northern Mindanao.

Ayon sa PAGASA ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.

Samantala, ang Quezon, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, at Kalayaan Islands naman ay makararanas din ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Amihan.

Sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora makararanas ng mahinang pag-ulan dahil din sa Amihan.

Bahagyang maulapna papawirin naman na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon. (D. Cargullo)

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *