#dutertepalpak tweet ng PTV resulta ng “predictive system”
Nagpaliwanag ang pamunuan ng People’s Television Network (PTV) matapos ang naisapublikong tweet sa kanilang official Twitter Account na ginamitan ng hashtag na #dutertepalpak.
Ang nasabing tweet na agad binura sa PTV Twitter subalit marami na ang nakapag-screenshot, ay may kaugnayan sa naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamahagi ng libreng face masks sa lalo na sa mga mahihirap.
Nakasaad sa tweet ang mga katagang “President Rodrigo R. #dutertepalpak BTS reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own.
Sa inilabas na paliwanag ng PTV, sinabing ang pagkakamali sa tweet ay dahil sa “predictive systems”.
Aminado din ang PTV sa kabiguang i-review at salain muna ang mensahe bago mai-post.
Tiniyak ng pamunuan ng PTV na mapapatawan ng disciplinary actions ang miyembro ng social media team na nasa likod ng naturang post.