Duterte supporters tutol sa planong pagbuhay sa prangkisa ng ABS-CBN

Duterte supporters tutol sa planong pagbuhay sa prangkisa ng ABS-CBN

Tinawag na “pambabastos” ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng Kamara sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco na mabigyan na ng pramgkisa sa susunud na taon ang ABS-CBN.

Sigaw ito ng mga supporters ni Duterte bilang reaksyon sa naging pagtiyak ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep Lito Atienza na bumubuwelo lamang ang liderato ni Velascso dahil kauupo lamang sa pwesto subalit pagpasok ng 2021 ay haharapin nito ang isang “major battle” para mabigyan ng hustisya ang ginawang pag-firing squad sa ABS-CBN.

Sinabi ng pro-Duterte Blogger na si Banat By o Byron Cristobal na kung itutuloy ng liderato ni Velasco na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN ay sila na mismo ang nambastos sa bayan.

Ito ay dahil sa nakita naman aniya sa mga isinagawang pagdinig na may mga violations ginawa ang ABS-CBN na syang dahilan ng pagkansela sa kanilang parangkisa, kung nagbago lang ang House Speaker at maibabalik muli ang operasyon ng TV network ay nangangahulugan na ang mga congressman din ang bumabastos sa batas.

“Ito ‘yung sinasabi natin eh, pinasukan na ng pulitika,” paliwanag ni Cristobal.

Naniniwala ang mga Duterte supporters na ang kumpiyansa ni Atienza na may magagawa na ito ngayon para maisulong ang ABS-CBN franchise renewal ay dahil na rin sa nakapwesto na ito bilang Deputy Speaker.

Bunga nito, binatikos ni Cristobal si Velasco sa ginawa nitong bayad-utang kay Atienza kaya ipinuwesto bilang Deputy Speaker.

“Si Atienza ay isang dilawan, bumabatikos kay Pangulong Duterte, pero dahil ipinagtanggol nya nang todo si Velasco nung naglalabanan sa Speakership kaya eto ngayon, ang bayad-utang ay ang posisyon. Ganun na ba ngayon, ang posisyon ang syang binabayad sa utang, nakakahiya naman”dagdag pa ni Cristobal.

Maliban kay Atienza, naitala din bilang Deputy Speaker si Cagayan Rep Rufus Rodriguez na isa sa supporter din ng ABS-CBN franchise renewal.

Giniit pa nito na hindi minaltrato o i-naassasinate ang ABS-CBN gaya ng pakuwari ni Atienza dahil nabigyan sila ng pagkakataon na idepensa ang kanilang panig sa isinagawang pagdinig, ani Cristobal, hindi dapat manahimik si Velasco sa isyung ito.

“Kung hindi galing kay Velasco ang sinasabing planong pagbabalik ng operasyon ng ABS-CBN sa 2021 ay ideny nya ito, dahil kung hindi nya ito sasagutin ay malinaw na kasalunghat na naman ito sa direktiba ni Pangulong Duterte”paliwanag pa nito.

Puna ni Cristobal na mula nang maupo si Velasco sa Kamara ay ipinapakita nyang hindi sya tunay na kaalyado ni Pangulong Duterte dahil taliwas ang mga hakbang nito sa posisyon ng Malacanang, una ay ang pagtatanggol nya sa Makabayan sa isyu ng red tagging . ikalawa ay ang pagbibigay posisyon sa Kamara sa mga kritiko ni PAngulong Duterte at ikatlo ay ang plaong pagpapabalik sa operasyon ng ABS-CBN.

Nagbanta naman ang mga Duterte suporters na magmamasid ito sa galaw ng Kamara.

“Magmamasid tayo sa Kamara dahil andyan lahat nangyayari ang mga magic”dagdag pa nito.

Una nang sinabi ni Atienza na sa ilalim ng pamumuno Velasco ay maibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpapalawig sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi naman ni House Minority leader at Abang-Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na pagpasok ng 2021 ay maaari nang maghain ng franchise renewal application ang ABS-CBN alinsunud na rin sa rules ng Kamara.

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *