Driving schools, traditional cinemas, arcades, museums at cultural centers isasara muna sa loob ng dalawang linggo – DTI
Ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsasara muli ng mga driving school, sinehan, arcades, museums, at cultural centers sa loob ng susunod na dalawang linggo.
Ayon ito kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.
Maging si Lopez mismo ay nagpositibo sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.
Ayon pa kay Lopez, lilimitahan sa 30 percent ng venue capacity ang pagdaraos ng mga meeting, conference at exhibitions.
Habang lilimitahan sa 50 percent ang capacity sa mga dine-in restaurant, cafes, at personal care services.
Ayon kay Lopez maglalabas ng circular ang DTI hinggil sa nasabing kautusan.