Drive thru vaccination sa Montalban, Rizal maagang dinagsa ng mga residente
Maagang humaba ang pila sa drive thru vaccination na isasagawa ngayon araw sa Brgy. San Jose, Montalban, Rizal.
Mayroong limang venue ng vaccination ngayong araw sa Montalban at isa dito ay drive thru.
Ang mga nasa A2 priority list o mga senior citizen mga nasa A3 o mga may comorbpdities ay pwedeng pumila habang nasa sasakyan lamang.
Hindi na din nila kailangang bumaba ng sasakyan dahil doon na sila babakunahan.
Ang proseso ay lalapit ang mga staff ng Municipal Health Office s bawat sasakyan para mag-abot ng form.
Sunod ay imo-monitor ang vital signs ng mga magpapabakuna.
Magkakaroon ng interview para masigurong ligtas silang tumanggap ng bakuna.
At pagkatapos ay saka gagawin ang pagbabakuna.
Pagkatapos mabakunahan ay iho-hold muna sa isang lugar tapos at muling imo-monitor ang vital signs.
Kahapon sa tatlong vaccination sites sa Montalban ay umabot sa 1,423 ang nabakunahan ng AstraZeneca vaccine.
Kaya ngayong araw ay inaasahang halos doble ng nasabing bilang ang mga mababakunahan. (Dona Dominguez-Cargullo)