Drive-thru COVID-19 testing center sa Lawton, Maynila isinara muna

Drive-thru COVID-19 testing center sa Lawton, Maynila isinara muna

Sarado na muna ang drive-thru COVID-19 testing center sa tapat ng Andres Bonifacio Monument sa Lawton, Maynila.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon sa kalsada sa Lawton, at para maiwasan na rin ang mabigat na daloy mg trapiko.

Kanina, marami-rami pa rin ang mga pumila sa drive-thru testing center para maagang makasalang sa serology test.

Ang iba, lumiban pa sa trabaho at galing pa sa ibang siyudad para makapila sa libreng COVID-19 test. Hindi raw nila alam na sarado ang drive-thru testing center.

Pero ayon kay Cesar Chavez, ang chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno, pinapayuhan ang mga nais na magpa-test na magtungo na lamang sa Quirino Grandstand kung saan may isa pang drive-thru COVID-19 testing center.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila na tuloy-tuloy ang libreng mass testing sa Maynila, na hindi lamang para sa mga Manileno kundi sa mga non-Manila residents.

Bukod sa drive-thru testing center sa Quirino Grandstand, mayroon ding walk-in testing centers sa ilang mga ospital sa Maynila at Mobile Serology Testing Center.

Ngayong Martes ay ilulunsad na rin ng Manila LGU ang ikalawang swab testing/molecular laboratory na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *