DPWH umapela ng tulong sa publiko para mai-report ang mga nagsusunog at nagtatapon ng basura sa mga infrastructure project ng gobyerno

DPWH umapela ng tulong sa publiko para mai-report ang mga nagsusunog at nagtatapon ng basura sa mga infrastructure project ng gobyerno

Humingi ng tulong sa publiko ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagre-report ng mga insidente ng pagsusunog o pagtatapon ng basura sa mga infrastructure projects ng gobyerno.

Sa larawang ibinahagi ni DPWH Sec. Mark Villar sa kaniyang Facebook Page, makikitang may nagsisiga o nagsusunog sa poste ng isang infra project ng DPWH.

Ipinakita din ni Villar ang larawan matapos matanggal ang sunog sa poste na naidulot ng pagsisiga.

Sa Facebook page naman ni Build Build Build Philippines Chairperson Anna Mae Lamentillo, makikitang ginawang tapunan ng basura ang center island ng isang infra project ng DPWH.

Apela ni Villar sa publiko, i-report sa DPWH hotline na 165-07 ang anumang insidente ng arson, vandalism, o littering sa mga infra project ng gobyerno. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *