DPWH, DOH naglagay ng Rainwater Collection Systems sa mga eskwelahan sa Samar

DPWH, DOH naglagay ng Rainwater Collection Systems sa mga eskwelahan sa Samar

Nagtulong na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health
(DOH) sa pagtatayo ng rainwater collection system o RWCS sa iba’t ibang eskuwelahan sa lalawigan ng Samar.

Ayon kay Secretary Mark A. Villar, dalawampung (20) units ng 4,000-liter tanks ang naiilagay na sa mga eskuwelahan sa mga siyudad ng Alamagro, Gandara, Sta. Margarita at Calbayog sa Samar.

Sinabi ng kalihim na ang naturany Rainwater Collection Systems na nagkakahalaga ng ₱3.8-million ay proyekto ng DPWH at ng DOH sa lalawigan.

Ayon kay Villar, ang proyekto ay alinsunod sa itinatadhana ng
Republic Act 6716, na nagtatakda sa DPWH na magtayo ng water wells, rainwater collectors, pag-develop sa mga spring at rehabilitasyon ng mga kasalukuyang balon sa lahat ng mga barangay sa bansa na pinagkukunan ng tubig.

Ilan sa mga eskewelahan nakikinabang sa rainwater collector projects sa Almagro, Samar ay ang mga sunusunod: Almagro Central Elementary School, Malobago Elementary School, Tonga-Tonga Elementary School, Kirikiti Elementary School, Magsaysay Elementary School, San Isidro Elementary School, Talahid Elementary School, Imelda Elementary School, Costa Rica Elementary School at Lunang II Elementary School.

Sa Gandara, Samar ay ang mga sumusunod: Tagnao Elementary School at Casab-ahan Elementary School.

Sa bayan ng Sta. Margarita, kabilang sa mga naging benepisyaryo sa rainwater collection system ay ang: Sta. Margarita II Central Elementary School, Palale Elementary School, Solsogon Elementary School, Clarencio Calagos Memorial School of Fisheries at ang Burabod Elementary School habang sa Calbayog City ay ang Tinambacan Central Elementary School, Malajog Integrated School at ang Ba-ay Elementary School.

Umaasa ang DPWH at ang DOH na sa mga bagong tayong RWCS ay hindi na pahirapan ang pagsalok ng tubig sa malalayong lugar.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *