DOLE nagpalabas ng holiday pay rules para sa Chinese New Year at EDSA People Power Anniversary
Nagpalabas ng holiday pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa dalawang magkasunod na special non working holidays ngayong Pebrero.
Ang February 12 (Chinese New Year) at February 25 (EDSA People Power Revolution Anniversary) ay kapwa deklaradong special non working holidays.
Sa abiso ng DOLE, iiral ang ‘no work no pay’ kapag ang empleyado ay hindi pumasok sa nasabing mga petsa.
May dagdag namang 30 percent sa kaniyang basic wage para sa unang walong oras ang empleyadong papasok sa trabaho.
Kung may overtime, may dagdag din na 30 percent sa kaniyang hourly rate sa bawat oras ng OT.