DOJ Sec. Guevarra tiwalang kaya ni Gierran na pangasiwaan ang PhilHealth
Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na kakayanin ni dating NBI Director Dante Gierran ang iniatang sa kanya ni Pangulong Duterte na bagong posisyon sa Philhealth.
Lunes ng gabi nang i-anunsiyo ng Pangulo ang pagkakatalaga kay Gierran bilang Philhealth President.
Sinabi ni Sec. Guevarra na mayroon namang legal background ni Gierran at mayroon ding accounting background dahil sa sa pagiging Certified Public Accountant nito.
Naniniwala ang kalihim na mayroong investigative skills si Gierran at may sapat na administrative abilities na akma para pamunuan ang Philhealth.
Ayon pa sa Kalihim, dahil sa mga kakayahan ni Gierran, naniniwa siyang kaya nitong pamunuan ng cleansing process at kakayaning magpatupad ng mga reporma sa Philhealth.
Sa isang panayam, sinabi ni Gierran na natatakot siya sa pagkakatalaga sa Philhealth.
Aminado siyang hindi niya alam ang operasyon ng Philhealth. Hindi kasi aniya katulad sa NBI na kabisado na niya ang takbo ng operasyon.
Natatakot umano siya sa bagong tungkulin dahil wala siyang alam patungkol sa public health.