DOJ humiling ng pang-unawa sa pamunuan ng mga simbahan sa GCQ areas

DOJ humiling ng pang-unawa sa pamunuan ng mga simbahan sa GCQ areas

Umapela ng pang-unawa si Justice Sec. Menardo Guevarra sa Simbahang Katolika at sa mga mananampalataya bunsod ng patuloy na paglimita pa rin sa bilang ng mga taong maaaring makapasok sa simbahan.

Sa itinakdang gudelines ng Inter-Agency Task Force o IATF, limitado pa rin sa sampu ang papayagang makadalo sa misa sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine GCQ.

Sinabi ni Guevarra na nauunawaan niya ang sentimyento ng mga obispo.

Kabilang sa mga naghayag ng sentimenyento ay si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na nagtatanong kung bakit sa mga restaurant ay apayagan ang 30 percent capacity pero 10 lamang sa mga simbahan.

Sinabi ni Guevarra na nagpadala na din siya ng mensahe kay Bishop Mylo Vergara ng Diocese of Pasig na may kahalintulad na sentimyento para ipaliwanag ang naging pasya ng IATF.

Ayon kay Guevarra, kailangan pa rin maprotektahan ang lahat laban sa COVID-19.

Batay aniya sa IATF, 50% na kapasidad naman sa mga simbahan ang pinapayagan na sa mga Modified GCQ areas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *