DOH, tiniyak na wala pang Brazilian variant ng COVID-19 sa bansa
Siniguro ng Department of Health (DOH) na wala pang COVID-19 variant ng Brazil ang nakakapasok sa bansa.
Ayon sa DOH, maraming variants ng COVID ang Brazil pero walang na-detect ang Philippine Genome Center sa mga samples na isinailalim nito sa sequencing.
Pero ayon sa DOH na ang mahigpit na Brazilian variant na kanilang binabantayan ay ang P.1 variant.
Una nang kinumpirma ni Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau na ang pinaka-common na variant na natuklasan sa genome sequencing ay ang sa Hong Kong.
Sa 1,227 aniyang mga pasyente na isinailalim sa genome sequencing, lumalabas na halos 1/3 dito ay Hong Kong Variant.
Sumunod ang European variant, UAE, Brazilian ,UK at iba pa.