DOH Sec. Duque nag-inspeksyon sa QI
Nagsagawa ng inspeksyon si Health Secretary Francisco T. Duque III sa Quezon Institute.
Ito ay para masiguro ang kahandaan ng ospital sa posibleng pagdagsa ng mga pasyente ng COVID-19 na bahagi ng post-holiday surge.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang QI ay mayroong 105 bed capacity.
Mayroon din itong state-of-the-art equipment at pasilidad.
Sinabi ng DOH na maaring tumanggap ang QI ng moderate to critical COVID-19 cases. (D. Cargullo)