DOH pag-aaralan kung papayagan ang face-to-face visitation sa mga bilangguan ngayong Christmas season

DOH pag-aaralan kung papayagan ang face-to-face visitation sa mga bilangguan ngayong Christmas season

Pag-aaralan ng Department of Health (DOH) kung papayagan ang face-to-face visitation sa mga persons deprived of liberty ngayong Christmas season.

Simula kasi nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19 hindi pinapayagan ang face-to-face visitation sa mga preso para maiwasan ang pagdagsa ng mga bisita sa mga bilangguan at maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na aalamin ng ahensya ang mga health protocols na ipinatutupad ng BJMP sa bilangguan.

Titignan din ng DOH ang datos ng kaso ng COVID-19na naitatala ng BJMP.

Batay sa datos ng BJMP, 94.81 percent na ng mga PDLs sa mga bilangguan na kanilang nasasakupan ang bakunado na kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *